Tama Ka
Tama ka, kaibigan,
Hindi pwedeng parating seryoso;
Pagka’t walang kwenta
Ang rebolusyong Walang sumasayaw.
Ngunit hayaan mong Ituwid ko ang baluktot;
ang rebolusyo’y hindi napapagod,
Ito’y hindi natutulog, hindi hinahapo
Sapagka’t, kaibigan,
Ang rebolusyo’y mas malaki Sa akin at sa’yo
Ako ma’y mapagod
Ako ma’y pumanaw
May ibang tumutugtog,
May ibang gumagalaw.
September 8, 2009 at 7:29 pm
Chapta,
Good job